Monday
Sobrang nakaka-stress, kasi Christmas party namin sa QC, tapos galing pa kaming Parañaque. Stressed kami kakahintay sa girls dahil nagpa-blower pa sa parlor bago pumunta sa party. Kaibigan pala ng boss ko si Paolo Avelino. Tinawag ako para magpa-picture kami. Hindi ko siya kilala that time kasi di naman ako nanonood ng TV. Sino 'yon? Si Paolo Avelino daw sa ABS-CBN. Di ko siya kilala e. Nung i-Google ko, nalaman ko na magkasunod pala kami ng birthday. May 13 siya. Ako May 14. Nakauwi ako sa Parañaque ng 4AM. Plakda.
Tuesday
Off ko. Nagising ako ng 10AM, nanood ng movie sa laptop. 2PM, nag-bike ako from Parañaque papunta sa house namin sa Tondo. Grabe. Dalawang oras pala ang biyahe. Pagdating doon, ni-raid ko ang ref. Kain ng ubas, Chips Ahoy, tsitsiriya, pancit canton, at nakipag-bonding sa mga pamangkin at mga inaanak. Siningil kaagad ako ng mga inaanak. Cash na lang daw na pang-Star City. Pag binigay ko 'yon, quits na? Oo daw. Pabor. Di na ko mahihirapan mag-shopping. Abot kaagad ng cash. Wag niyo na itanong kung magkano. Bike ulit ng dalawang oras pabalik ng Parañaque. Kala ko di ko kakayanin. Nakauwi din ng 11PM, tapos nagpamasahe sa bahay.
Wednesday
Pasok sa work. Lethargic. Kulang sa tulog. Gusto mag-blog-hopping, pero di kaya. Kasi antok at masakit pa ang katawan sa ginawang pagba-bike. Pahinga muna. Busy sa Thursday (opening ng Puregold na katabi namin, baka maraming guests), Friday (Christmas party ulit), at Saturday (may pasok, tapos uuwi pa sa Tondo para doon mag-celebrate ng Christmas Eve, at babalik sa Parañaque ng madaling araw kasi may pasok kinabukasan).
Nood muna ako ng movie tapos tulog na. Makakapagbasa rin ako ng ibang blogs sa mga susunod na araw.
Batiin ko na rin kayo. Merry Christmas, and remember: Christmas is not about gifts.
Wednesday, December 21, 2011
Sunday, December 18, 2011
Quote 29
Nobody can go back and start a new beginning, but anyone can start today and make a new ending.
Friday, December 16, 2011
My Rail Transit Bloopers
Kakabasa ko lang ng post ni Yodz, kaya naalala ko ang mga bloopers ko sa LRT at MRT. Bloopers kung English, katangahan kung Tagalog.
Wala pang MRT noong 1985. LRT pa lang, at tokens pa ang gamit. In na in ang "working students," kaya nakiuso na rin ako. Batang-bata at gwapong-gwapo pa ako noon (talagang isiningit). Server ako sa Shakey's noon sa Greenbelt sa Makati Avenue, tapat ng Landmark. Wala pa ang Landmark noon. Wala na rin ang Shakey's Greenbelt ngayon. Sumasakay ako ng LRT galing Tayuman at bumababa ako sa Buendia Station. One time na pagsakay ko ng LRT, di ko napansin na nakahawak pala ako sa hamba ng pinto. Naipit yung mga daliri ko sa goma ng pinto nung sumara ang mga iyon. Sobrang higpit pala non pag nakasara at hindi ko mahila ang kamay ko, kaya tiniis ko ang sakit hanggang next station. Bumakat sa mga daliri ko yung goma ng pinto ng LRT. Akala ko nga e hindi na matatanggal yung mga bakat. Feeling ko talaga noon e napaka-eng-eng ko.
Fast forward to 2001. Kakabalik ko lang ng Manila pagkatapos mamalagi sa probinsiya namin sa Palawan (talagang isiningit din) ng anim na taon. Pagbili ko ng token, card ang ibinigay sa akin. Ipinasok ko sa slot, at pagsakay ko ng tren e tiningnan ko ng maige yung ticket. Ang ganda. Mag-iipon ako nito, sabi ko sa sarili ko. Inilagay ko pa sa loob ng wallet ko. Pagdating sa station, nagmamadali pa akong bumaba ng tren at diretso doon sa exit. Kablag! Aruguy! Bakit hindi umikot yung bakal? Isa pa. Kablag ulit. Aruguy ulit. Ipasok ko daw yung ticket, sabi nung mamang kasunod ko. Hiyang-hiya ako noon kasi feeling ko, siyanong-siyano ako, e sa Manila naman ako lumaki.
2008. Sa Edsa Central ang work ko, kaya connecting na tren ang sakay ko. From Tayuman, LRT hanggang EDSA, tapos MRT Taft papuntang Edsa Central. Ganoon din ang pauwi. Sa madaling salita, LRT-MRT ako papasok, MRT-LRT ako pauwi. One evening na pauwi ako, e di sumakay ako ng MRT. Tuwing sumasakay ako ng MRT sa umaga e natataon na yung nasa bandang kanan na tren ang nasasakyan ko papuntang Edsa Central. Pag pauwi naman e sa kaliwa pumaparada. One time na pabalik ako galing ng Edsa Central, tinambayan ko yung pintuan sa bandang kanan, para pag-park ng MRT sa Taft, makakalabas kaagad ako para mauna sa escalator. Ang kaso mo, nung bumukas at sumara yung pintong tinambayan ko sa Magallanes Station ay naipit yung likod ng barong ko sa pinto. At pagdating ng Taft station, sa kanan pumarada yung tren, kaya yung pintuan ko e hindi bumukas. Yung pinto sa kaliwa ang bumukas. Patay. Di ako makaalis. Sinubukan ko'ng hilahin yung barong pero parang mapupunit, kaya di ko na pinilit. Gusot mayaman yon e. Ang ginawa ko e dedma. Nagkunwari akong magra-round trip at hinintay kong makaalis ulit yung tren para sa Magallanes station ako bababa. Ang kaso lang, maluwag pa ang mga upuan, at ako lang ang nakatayo. Dedma. Pagdating sa Magallanes at sumakay ulit doon pabalik ng Taft. Bakit ba hindi ko naisip na pwede rin pala pumarada sa kanan yung tren e dulo nga pala ang MRT Taft? At mabuti na lang ay hindi last trip yung nasakyan ko, kundi ay baka sa MRT ako natulog...ng nakatayo.
Kung nahilo ka sa kwento ko, e, mas nahilo ako'ng magkwento. At saka wag mo nang kwentahin ang edad ko. Ang masasabi ko lang, isa ako sa mga pinakamatandang blogger dito sa Pilipinas.

Wednesday, December 14, 2011
My Christmas Wish List and Then Some
Here is my Christmas 2011 wish list. Partial pa lang ito, kasi ngayon pa lang ako nag-iisip kung ano talaga ang gusto ko.
A male Jack Russell puppy.
I went to Cartimar Pasay this afternoon to buy some accessories for my MTB. Sinilip ko rin mga pet shops doon. I fell in love with the Jack Russell, especially yung isa doon male puppy na may maliit na black spot sa left side, then white na lahat. Kaya lang walang papers. P8500 negotiable. May nakita rin ako with papers, female, and hindi ko siya gusto kasi parang maldita. The current market price of Jack Russell is 15k to 18k, with papers.
Speaking of Cartimar, sarap pala mag-shopping doon. Hindi masikip, walang pila, daming sale. Nadala akong pumunta ng Baclaran. Kasi pupunta sana ako sa house namin sa Tondo nung Sunday, and sabi ko ayokong dumaan sa Divisoria, so I would take the LRT from Baclaran. Kaasar doon kasi andaming tao. Tapos yung papunta sa LRT station, e ang layo-layo ng lalakarin mo. Ok lang sana maglakad ng malayo kung lakad na hardcore. E kaso mo, hindi lang baby steps na lakad yung nangyari sa akin doon e. Imagine moving your feet ng pakala-kalahati. Ganoon. Three blocks na ganoong lakad. Tapos meron pang tulak nang tulak. Tapos meron pang di kanais-nais na amoy nung nasa unahan mo. It took me almost 30 minutes to reach the LRT station. Di na ako dadaan doon ulit. Pero babalik ako sa Cartimar. Nakabili ako ng original Oakley basketball shorts for P100. Old stock daw yon. Ok na pang MTB or pambahay. Kung ayaw mo ma-stress sa pag-shopping, doon ka mamili.
Tuesday, December 13, 2011
Please Help Me Win This "Like" Campaign for My Sister
We are seven in the family, and my sis is the youngest. Ako po ang eldest. One of the things that I'm proud of my sister is that her fiance is her first and only boyfriend, and she's getting married to him. They've been on since their college days.
Eto biruan namin ng sis ko after her boyfriend proposed to her:
Me: E di maghahanap ka na ng mga suppliers para sa wedding?
Sis: Di na kailangang maghanap. Tatawagan ko na lang sila, sasabihin ko tuloy na. Ganito magiging dialogue namin ng suppliers ko.
Sis: Hello, Supplier. Go na yung orders ko.
Supplier: Ma'm, ano po igo-go natin? Yung order niyo nung 2006, 2007, 2008, or 2009?
They are getting married next year. I am asking for your support for them to win this online contest. Please go to Wedding Expo Philippines and follow the instructions. Your liking it will be greatly appreciated. And please post this on your Facebook wall and ask friends to support. I will appreciate your help. Thank you. - Rence
Sunday, December 11, 2011
One Lovely Blog Award
It always feels great to receive an award from other bloggers.This is one of the three awards I received from Albert, and I've waited until this Monday to award it to 15 others to start their week off with a BANG!
Here they are in no particular order:
1) Etchetera Etchetera
2) Everything Etchetera
3 ) I Am Talinggaw
4) I Am Super Leah
5) Welcome to My World
6) Palakanton's Adventure
7) Upod Na Lapis
8) Two Ladies and a Spoon
9) Pluma ni Jepoy
10) Domesticated Daddy's Diaries
11) Gillboard Grows Up
12) The Gasoline Dude
13) Kwatro Khanto
14) _isheLoveblog_
15) A Single Mom's Blog
Congratulations!!!
Have a great time reading their blogs, folks!
Saturday, December 10, 2011
Winnie Monsod - Gloria Arroyo's Wealth -Impossible!!!
Certainly her salary as President, which is P60,000 a month or P720,000 a year, cannot justify such an increase.
One should also eliminate from the equation possible gains from stock market trading because unless she or her stockbroker are trading geniuses, making the kind of killing she would have to make to justify her net worth increases would be very improbable because of the stock market decline in 2008.
Thus, she would have to show very large increases in her other income which would be most naturally attributed to the income of her spouse. This, she still has not done.
Actually the Philippines has very strict laws that if implemented properly, would show unexplained wealth and possible graft and corrupt practices by government officials right away.
Our 1987 Constitution mandates it.
And previous to that, there is RA 1379, passed way back in 1955, which provides that... Whenever any public officer or employee has acquired during his incumbency an amount of property which is manifestly out of proportion to his salary as such public officer or employee and his other lawful income and the income from legitimately acquired property, said property shall be presumed prima facie to have been unlawfully acquired.
Note that the burden of proof is on the public officer: he has to show that he has lawfully acquired the property.
The presumption of innocence does not apply here; and if the judge is not satisfied with the explanation, he will declare the property in question forfeited to the State.
Then there is RA 3019, passed in 1960 and known as the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, which requires every government officer and employee to file every year a SALN, including a statement of the amounts and sources of his income, the amounts of his personal and family expenses, and the amount of income taxes paid for the next preceding calendar.
Finally, there is RA 6713 passed in 1989 also known as the Code of Conduct for government employees which gives all the details for filing the SALN, when and where to file, who to file it with, who is supposed to be the repository agency, and what are the penalties for non-filing; and this law includes the fact that the SALN is public information available to any taxpayer.
In spite of all these safeguards and laws, however, we all know that the Philippines' performance with regard to reducing corruption has been miserable.
The very fact that it was a media organization, the Philippine Center for Investigative Journalism, that researched and analyzed the President's SALN, instead of the Office of the Ombudsman, gives us a clue.
Another clue is given by the data shown in a paper presented to an international conference in Jakarta in 2007 by Deputy Ombudsman Pelagio Apostol: Between 2002 and 2007, the average number of complaints filed yearly with the Ombudsman for failure to file a true and detailed SALN was 27; the average number of complaints filed for forfeiture of unexplained wealth was 15.
Compared with the 1.4 million employees who file SALN yearly, the proportion is negligible.
The message that comes out loud and clear in all this is that the agencies that are repositories of the SALN, particularly the Ombudsman, don't seem to know what to do with the reports they get, or don't have either the time or the inclination to do what must be done.
The Office of the Ombudsman should be monitoring the President and Vice President, as well as the chairmen and members of the Constitutional Commissions.
Why didn't it blow the whistle on the President's seemingly unexplained wealth?
The Ombudsman created a much-publicized SALN data bank three years ago and the public should be told exactly what is being done to all these computerized records.
Instead, they just seem to wait for complaints to be filed by the public and act only then.
What a pity. Can we do anything about this? Yes.
First, we can make sure that the persons we elect to leadership positions have no reputation for kurakot.
Second, that they do not choose cronies to fill up important positions, but rather choose the most qualified for the job.
And third, we must also make sure that we are ready to file complaints against government officials who are living beyond their means we have to be a nation of whistleblowers.
That is what the times call for. We must heed that call.
In other words, it is really up to us.
http://blogs.gmanews.tv/winnie-monsod/
'Nyeta
'Nyetang aso ng kapitbahay. Araw-gabi kung tumahol. Lahat ng dumaan tinatahulan. Pati langgam. Pati hangin. Bwisit.
Sleeping Beauty
Katatapos ko lang panuurin neto.
Ang naisip ko lang habang pinapanood ko yung movie, sana makahanap ako ng ganoong klaseng trabaho. Malaki ang bayad. Patutulugin ako, wala akong malay kahit ano ang gawin sa akin, basta bawal ang penetration at bawal mag-iwan ng marka sa katawan ko. Kumikita ka habang natutulog ka.
Slow paced ang movie, pero hindi boring. May nudity, pero hindi bastos.
Panoorin niyo ito.
*May detailed review dito, pero pag binasa mo, parang pinanood mo na rin ang pelikula.

Breakfast Dec 11, 2012
Nagsaing ako mga 2 cups rice. HIndi ako nagsasaing ng maramihan. Kadalasan ay pang isang meal lang. Nung painin na yung kanin, pinatong ko yung hotdog and egg. Tapos iniwan ko ng mga 20 mins habang nagbabasa ako ng mga blogs.
Pagkatapos ko magbasa at manonood na ng movie (Sleeping Beauty), nilagay ko sa isang malaking mangkok yung kanin, pinatong yung hotdog at binalatang itlog. Walah!!! Breakfast na.
Mahilig ako kumain sa mangkok na malaki. Very convenient, lalo na pag wala kang kasabay kumain. Ilagay ang kanin at ulam, halu-haluin, dalhin kahit saan: sa kama, sa harap ng computer, sa sofa. Pwede ka mag-multi-tasking habang kumakain.
Kakabasa ko lang ng Biggest Loser Diet. Gagawin ko yan. Baka bukas.
Ngapala, meron akong Spanish sardines sa ref. Pang-emergency, hindi lang kung walang ulam, kundi pati pag kulang ang ulam.
That's all, Folks! Nood na ng Sleeping Beauty habang download ng Creepshow 1, 2, and 3.

Thursday, December 8, 2011
Sumbong - Isa Pang Naguguluhan
Galing po kay Arvin U. de la Peña
at ako din ay naguguluhan kung bakit hanggang ngayon hindi pa napaparusahan ang ibang mga naging miyembro ng gabinete ni GMA noong pangulo pa siya......ayos din ang blog mo...may portion ng parang isumbong mo kay Tulfo,hehe...
Sagot ni Kuya:
Arvin U. de la Peña,
Kung naguguluhan ka, mas naguguluhan ako dahil hindi ko lubos maisip kung bakit nais mong pagparausan ang mga miyembro ng gabinete ni GMA. Pasensiya na at pag medyo gabi na ay lumalabo ang aking mga mata.
Kuya

Wednesday, December 7, 2011
Tuesday, December 6, 2011
Isumbong Mo Kay Kuya Response 1
Maraming salamat kay Acre of Diamond, ang pinakaunang nag-comment sa Isumbong Mo Kay Kuya Portion ng blog kong Call Me Rence. Para sa inyong mga nais sumangguni ng inyong mga suliranin, katanungan, magpapahula, at magpapautang, dalawin si Kuya at mag-comment.
Comment galing kay Acre of Diamond:
Dear kuya,
Plano kong gumulong lang dito ngayong gabi pero iba ang tumambad sa akin.Ganon pa man asahan mong susulat ako sayo pag akoy naguguluhan.
ang nagmamahal
Acre of Diamond
Sagot ni Kuya:
Dear Acre of Diamond,
Maraming salamat sa iyong pagtitiwala. Hindi ko ipinapangako na ikaw ay maliliwanagan kapag ikaw ay sumulat tungkol sa kung ano man ang gugulo sa iyong isipan, bagkus ay baka lalo ka pang maguluhan.
At salamat sa pagmamahal. Lab yu tu.
Sumasaakin,
Kuya
Follow-up na sangguni ni Acre of Diamond:
Dear Kuya,
Ako po ay naguguluhan at nalulungkot ngayon. Napakasakit kuya ang dahilan may umutang at mukhang wala ng planong magbayad Sa dahilang mukhang nagka amnesia na kuya ano ang gagawin ko. Ganon pa man naliwanagan na at masaya na dahil sa iyong sulat.
Ang mas lalong napapamahal sayo.
Acre of Diamond
Sagot ni Kuya:
Dear Acre of Diamond,
Naiintidihan ko kung bakit ka naguguluhan at nalulungkot ngayon. Talagang masakit ang mautangan at hindi mabayaran. Kung talagang wala nang planong magbayad ang nagkakautang sa iyo, hindi ka na dapat maguluhan. Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na ikaw ay na-wantutri. Huwag ka nang malungkot, dahil kahit pa magkano ang inutang na walang planong ibalik sa iyo, asahan mo na ito ay tutubo sa puwet niya. Kung gaano kalaki ang hindi binayaran, ganon din kalaki ang tutubo.
Maaari ding nalulungkot ka dahil na-realize mo na ang halaga ng pagkakaibigan niya ay katumbas lamang ng kanyang inutang sa iyo. Ang cheap niya at wala siyang kwenta. Marami ka pang pwedeng maging kaibigan. Mga kaibigang hindi mangungutang sa iyo, at pahahalagahan ka dahil sa taglay mong kabaitan at kagwapuhan. Kung maaari ay kalimutan na ang inutang sa iyo, at lalo pang magsikap upang mabawi ito sa pamamagitan ng sarili mong kakayahan, talino, at karisma. Iyan ang tinatawag na moving on.
Hanggang dito na lamang. Mahal na mahal kita.
Akinkanalang,

Monday, December 5, 2011
Gory Movie: The Human Centipede 1 and 2
Napanood ko yung The Human Centipede at ang sequel nito, The Human Centipede 2. Nag-download ako ng mga movies na ito matapos kong mabasa ang isang review, di ko matandaan kung saan.
Colored yung una at black and white naman ang pangalawa. Nung una akala ko dahil good copy lang yung na-download ko na second movie. Nung malapit na matapos yung 2nd movie ay naintindihan ko kung bakit ginawang black and white 'yon. Baka 'di ko kinaya kung colored yon.
Panoorin mo ito kung bored ka lang at naghahanap ng pandidirihan.
Katangahan ng characters factor: tolerable
Ang gory factor?
Clue: Don't eat while watching the movie. Pwede rin kain ka bago manood para may maisuka ka. Pwede rin huwag ka kumain before watching the movie, but I doubt kung makakain ka AFTER watching the movie. Enjoy watching. =)
I was eating the whole time I was watching the two movies. Ganon ata katibay ang sikmura ko.
Sunday, December 4, 2011
Tell Me About Yourself Award
This is one of three awards I received from Albert of How to become an Einstein? I feel honored kasi kahit na bago pa lang ako sa pagba-blog, nakatanggap na ako ng mga awards na kagaya nito. Ako na kaya? Weh!
1. I must tell 7 things about myself
2. I must pass it on to 15 other bloggers
Here are 7 things about myself:
1) I have already resolved that it doesn't matter if I would live to be a soltero all my life.
2) I don't watch TV because in my opinion, 90% of what is being shown on TV is trash.
3) I love food, even though I'm a bread person. I can live on bread alone.
4) No softdrinks.
5) Re-beginning mountainbiking.
6) I have a set of weights which has been resting under my bed for almost 20 months now.
7) Maong, t-shirt, rubber shoes.
Dear readers, please visit the 15 recipients (in no particular order) of this award:
1 Ron Silvoza - The Very Random and Constantly Outdated Site Blog
2 Pala-Lagaw
3 mga tsinelas ni Nieco
4 Kaharian ng AKONILANDIYA
5 I am Super Leah
6 Upod na Lapis
7 Tonto Potato
8 Teacher's Pwet
9 Blogging Puyat
10 Geotayo Philippines
11 Ang Mundo ng Tatay ni Adong
12 The Keatondrunk's Journey
13 Kwatro Khanto
14 Pluma Ni Jepoy
15 Domesticated Daddy's Diaries
Saturday, December 3, 2011
Hawak-Kamay by Yeng Constantino
I became a fan of Yeng Constantino when I watched this video. Yes, I cry everytime I view it again. Happy birthday, Yeng. This is for you.
Hawak-Kamay
written and sung by Yeng Constantino
Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko na kaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O, di kaya ako'y tawagin
Malaman mong kahit kailan
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Minsan madarama mo
Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema ay tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malaman mong kahit kailan
Bridge:
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin may makakasama
Narito ako ohhh, Narito ako…
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay, Hawak-kamay, Hawak-kamay

Untitled
Kagabi ko pa iniisip ito, e. Tapos ngayon-ngayon lang, nataymingang may nabasa akong post na ang title ay "Walang Pamagat."
Tanong lang po. Kapag ba ang isang akda ay pinamagatan ng "Walang Pamagat," ginagawa ba nitong may pamagat ang akdang walang pamagat?
Pero nung nag-iisip ako kagabi e, English ang takbo ng utak ko.
Does giving an article the title "Untitled" make the untitled titled?

Solitaire
Parang ako lang yung sinasabi ng kanta
Solitaire
by Clay Aiken
There was a man, a lonely man
Who lost his love through his indifference
A heart that cared, that went unshared
Until it died in his silence
And solitaire's the only game in town
And every road that takes him, takes him down
And by himself, it's easy to pretend
He'll never love again
And keeping to himself he plays the game
Without her love it always ends the same
While life goes on around him everywhere
He's playing solitaire
Another day, a lonely day
So much to say that goes unspoken
And through the night, his sleepless nights
His eyes are closed, his heart is broken
And solitaire's the only game in town
And every road that takes him, takes him down
And by himself it's easy to pretend
She's coming back again
And keeping to himself he plays the game
Without her love it always ends the same
While life goes on around him everywhere
He's playing solitaire
A little hope, goes up in smoke
Just how it goes, goes without saying
Solitaire
And by himself it's easy to pretend
He'll never love again
Ohhh
And keeping to himself he plays the game
Without her love it always ends the same
While life goes on around him everywhere
He's playing solitaire
Solitaire, solitaire
Friday, December 2, 2011
Bonding Time with Siblings
Pagdating ng 2012, apat na taon na na hindi na ako nakatira sa house namin sa Tondo. I'm living alone now in Parañaque. One of the things that I miss is my bonding time with my brothers and sisters. We are seven and I am the eldest. Pag nagkaipon-ipon kaming magkakapatid, ang daming kwentuhan. Usually katatawanan tungkol sa aming mga sarili, sa isa't isa, at sa mga kakilala.
Ito ang isang kwento ng brother ko na nasa Palawan ngayon.
Nung high school pa siya dito sa Manila noon, meron siyang isang klasmeyt na may pagkabingi. Tawagin natin siyang Bing. Isang araw, mga apat o lima silang magkakaklase na naglalakad sa Sta. Cruz.
Klasmeyt 1: Nagugutom na ako. Kain tayo diyan sa Goodah.
Bing: Anong Buddha? Baka Bodhi!!!
Isang araw ulit, nag-dinner sila buong klase sa isang pizza parlor.
Girl Klasmeyt: Naku, late na tayo makakauwi nito. Tatawag muna ako sa bahay. May phone kaya dito?
Bing: Anong Coke? Ayan na nga ang Pepsi, o!!!
Ang mga mahina ang tenga, kadalasan, malalakas ang boses para marinig din nila ang sarili nila. Kaya kadalasan, ang ending ng conversation with parents sa bahay ni Bing ay ganito:
Erpats: Bing, bakit mo ako sinisigawan?
Eto naman ang kwento ng sis ko na sumunod sa akin:
Pagdating niya sa bahay, tinanong niya yung isa pang sis namin.
Sis1: Nakita mo ba yung ale doon sa kanto kanina?
Sis2: Bakit?
Sis1: Tatanga-tanga. Kung saan-saan nakatingin. Nahulog tuloy sa butas. Ito pa nga yung mga galos o. (Sabay turo sa sarili niyang binti).

Subscribe to:
Posts (Atom)