Sunday, November 13, 2011

Repost: Bawal Daw Mag-Kodakan sa Monumento ni Rizal - HALLER!!!

Dapat piniktyuran din nila yung guard na nagbawal sa kanila. At kung sino man ang may pakana ng pagbabawal na iyan, dapat ikalat ang kanyang litrato sa pahayagan, sa internet, sa TV, at kung saan pa. Tingnan natin kung di siya umani ng katakut-takot na mura mula sa sambayanang Pilipino.


Sampalan

Tingnan sa ibaba ang mga maaaring dahilan kung bakit nila ginawa ito:

video

1.  isa itong uri ng therapy.
2.  inagaw nila ang bf ng isa't isa, at pareho nilang nabuking.
3.  practice ito para sa audition bilang kontrabida sa telenovela.
4.  binayaran sila para gawin ito.
5.  meron silang aawayin.  Warm up lang ito.
6.  bored lang sila, tapos nag-isip ng magagawa:  "Tara, magsampalan tayo."

May naisip ka pang dahilan?  Comment na.

Hindi Lahat ng Nagpapaganda, Gumaganda

Heard over the radio while waiting for the Pacquiao-Marquez Fight results:

Dati si Jinky, mas maganda kaysa sa kakambal niya.  Ngayon, mas maganda na ang kakambal niya kaysa sa kanya.  Dahil mukha na siyang wax.  Para na siyang pinabatang Madam Auring.  - Tita Swarding.

Natawa ako.

P.S.
Napanood ko yung video ng laban ni Pacquiao, and in fairness, gumanda naman talaga si Jinky, pero hindi mo na siya makikilala. Nawala na yung old Jinky.  Yung kakambal niya ang mukhang Jinky.  Si Jinky, hindi na mukhang Jinky. 

Memories

I returned to a blog that I have read the other day, and the author deleted an entry because the memory of what he had written causes him great pain.  Bilib ako sa kanya dahil sa gitna ng crisis sa buhay niya, he is able to keep his sense of humor (or it might be that he keeps his sense of humor to cushion the pain that he is feeling; ganoon ako minsan).  Anyway, sino ba ako para manghusga?


Ang pagkakaiba namin?  Mayroon siyang binura dahil gusto niya itong kalimutan, samantalang ako, may hindi makalimutan kaya hindi ko ito maisulat.  Sana, dumating ang araw, makaya ko na.