Pagdating ng 2012, apat na taon na na hindi na ako nakatira sa house namin sa Tondo. I'm living alone now in ParaƱaque. One of the things that I miss is my bonding time with my brothers and sisters. We are seven and I am the eldest. Pag nagkaipon-ipon kaming magkakapatid, ang daming kwentuhan. Usually katatawanan tungkol sa aming mga sarili, sa isa't isa, at sa mga kakilala.
Ito ang isang kwento ng brother ko na nasa Palawan ngayon.
Nung high school pa siya dito sa Manila noon, meron siyang isang klasmeyt na may pagkabingi. Tawagin natin siyang Bing. Isang araw, mga apat o lima silang magkakaklase na naglalakad sa Sta. Cruz.
Klasmeyt 1: Nagugutom na ako. Kain tayo diyan sa Goodah.
Bing: Anong Buddha? Baka Bodhi!!!
Isang araw ulit, nag-dinner sila buong klase sa isang pizza parlor.
Girl Klasmeyt: Naku, late na tayo makakauwi nito. Tatawag muna ako sa bahay. May phone kaya dito?
Bing: Anong Coke? Ayan na nga ang Pepsi, o!!!
Ang mga mahina ang tenga, kadalasan, malalakas ang boses para marinig din nila ang sarili nila. Kaya kadalasan, ang ending ng conversation with parents sa bahay ni Bing ay ganito:
Erpats: Bing, bakit mo ako sinisigawan?
Eto naman ang kwento ng sis ko na sumunod sa akin:
Pagdating niya sa bahay, tinanong niya yung isa pang sis namin.
Sis1: Nakita mo ba yung ale doon sa kanto kanina?
Sis2: Bakit?
Sis1: Tatanga-tanga. Kung saan-saan nakatingin. Nahulog tuloy sa butas. Ito pa nga yung mga galos o. (Sabay turo sa sarili niyang binti).