Wednesday, December 21, 2011

Monday, Tuesday, Wednesday

Monday
Sobrang nakaka-stress, kasi Christmas party namin sa QC, tapos galing pa kaming Parañaque.  Stressed kami kakahintay sa girls dahil nagpa-blower pa sa parlor bago pumunta sa party.  Kaibigan pala ng boss ko si Paolo Avelino.  Tinawag ako para magpa-picture kami.  Hindi ko siya kilala that time kasi di naman ako nanonood ng TV.  Sino 'yon?  Si Paolo Avelino daw sa ABS-CBN.  Di ko siya kilala e.  Nung i-Google ko, nalaman ko na magkasunod pala kami ng birthday.  May 13 siya.  Ako May 14.  Nakauwi ako sa Parañaque ng 4AM. Plakda.

Tuesday
Off ko.  Nagising ako ng 10AM, nanood ng movie sa laptop.  2PM, nag-bike ako from Parañaque papunta sa house namin sa Tondo.  Grabe.  Dalawang oras pala ang biyahe.  Pagdating doon, ni-raid ko ang ref.  Kain ng ubas, Chips Ahoy, tsitsiriya, pancit canton, at nakipag-bonding sa mga pamangkin at mga inaanak.  Siningil kaagad ako ng mga inaanak. Cash na lang daw na pang-Star City.  Pag binigay ko 'yon, quits na?  Oo daw.  Pabor.  Di na ko mahihirapan mag-shopping.  Abot kaagad ng cash.  Wag niyo na itanong kung magkano.  Bike ulit ng dalawang oras pabalik ng Parañaque.  Kala ko di ko kakayanin.  Nakauwi din ng 11PM, tapos nagpamasahe sa bahay.

Wednesday
Pasok sa work.  Lethargic.  Kulang sa tulog.  Gusto mag-blog-hopping, pero di kaya.  Kasi antok at masakit pa ang katawan sa ginawang pagba-bike.  Pahinga muna.  Busy sa Thursday (opening ng Puregold na katabi namin, baka maraming guests), Friday (Christmas party ulit), at Saturday (may pasok, tapos uuwi pa sa Tondo para doon mag-celebrate ng Christmas Eve, at babalik sa Parañaque ng madaling araw kasi may pasok kinabukasan).

Nood muna ako ng movie tapos tulog na.  Makakapagbasa rin ako ng ibang blogs sa mga susunod na araw.

Batiin ko na rin kayo.  Merry Christmas, and remember:  Christmas is not about gifts.