Wednesday, December 14, 2011

My Christmas Wish List and Then Some

Here is my Christmas 2011 wish list.  Partial pa lang ito, kasi ngayon pa lang ako nag-iisip kung ano talaga ang gusto ko.


A male Jack Russell puppy.

I went to Cartimar Pasay this afternoon to buy some accessories for my MTB.  Sinilip ko rin mga pet shops doon.  I fell in love with the Jack Russell, especially yung isa doon male puppy na may maliit na black spot sa left side, then white na lahat.  Kaya lang walang papers.  P8500 negotiable.  May nakita rin ako with papers, female, and hindi ko siya gusto kasi parang maldita.  The current market price of Jack Russell is 15k to 18k, with papers.

Speaking of Cartimar, sarap pala mag-shopping doon.  Hindi masikip, walang pila, daming sale.  Nadala akong pumunta ng Baclaran.  Kasi pupunta sana ako sa house namin sa Tondo nung Sunday, and sabi ko ayokong dumaan sa Divisoria, so I would take the LRT from Baclaran.  Kaasar doon kasi andaming tao.  Tapos yung papunta sa LRT station, e ang layo-layo ng lalakarin mo.  Ok lang sana maglakad ng malayo kung lakad na hardcore.  E kaso mo, hindi lang baby steps na lakad yung nangyari sa akin doon e.  Imagine moving your feet ng pakala-kalahati.  Ganoon.  Three blocks na ganoong lakad.  Tapos meron pang tulak nang tulak.  Tapos meron pang di kanais-nais na amoy nung nasa unahan mo.  It took me almost 30 minutes to reach the LRT station.  Di na ako dadaan doon ulit.  Pero babalik ako sa Cartimar.  Nakabili ako ng original Oakley basketball shorts for P100.  Old stock daw yon.  Ok na pang MTB or pambahay.  Kung ayaw mo ma-stress sa pag-shopping, doon ka mamili.

6 comments:

  1. Hi Rence! Thanks for visiting my blog. Thanks for adding me in your link list, too. I've already added you on my list, too!

    I also like Cartimar but not for the clothes. It's mainly the pets, specifically yung mga isda. :D

    ReplyDelete
  2. grabe, ang mahal! pero ang cute nya...:)

    ReplyDelete
  3. @Chad, na-try ko na rin mag-alaga ng isda. Kaya lang parang countdown e. 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1, 0. Isa-isang namatay. Hahaha

    ReplyDelete
  4. tirp ko lang ung aso!!! sana pamigay na lang ng libre...sorry di ako makarelate sa cartimar..pero sana mabilhan mo ko ng gift hehe ^^

    ReplyDelete