Nagsaing ako mga 2 cups rice. HIndi ako nagsasaing ng maramihan. Kadalasan ay pang isang meal lang. Nung painin na yung kanin, pinatong ko yung hotdog and egg. Tapos iniwan ko ng mga 20 mins habang nagbabasa ako ng mga blogs.
Pagkatapos ko magbasa at manonood na ng movie (Sleeping Beauty), nilagay ko sa isang malaking mangkok yung kanin, pinatong yung hotdog at binalatang itlog. Walah!!! Breakfast na.
Mahilig ako kumain sa mangkok na malaki. Very convenient, lalo na pag wala kang kasabay kumain. Ilagay ang kanin at ulam, halu-haluin, dalhin kahit saan: sa kama, sa harap ng computer, sa sofa. Pwede ka mag-multi-tasking habang kumakain.
Kakabasa ko lang ng Biggest Loser Diet. Gagawin ko yan. Baka bukas.
Ngapala, meron akong Spanish sardines sa ref. Pang-emergency, hindi lang kung walang ulam, kundi pati pag kulang ang ulam.
That's all, Folks! Nood na ng Sleeping Beauty habang download ng Creepshow 1, 2, and 3.
ganyan din ako pagkumakain mangkok palagi ginagamit ko.haha ayos fudtrip.
ReplyDelete@Vintot, sarap di ba?
ReplyDeleteSpanish sardines, pahingi! hehe
ReplyDeletegawain ko rin yan, kumain habang nagco-computer...hehe!
ReplyDelete