Those who work in the hospitality industry can identify with me here. Pati na rin siguro yung mga nagtatrabaho sa mga companies na nagbibigay ng iba pang services. You see, I work in a restaurant. And being in this industry, complaints are part of our everyday life. I welcome complaints, kasi ibig sabihin no'n, the customers want us to serve them better the next time they come back. Ibig din sabihin no'n, mahal nila tayo, at gusto pa nilang bumalik.
The standard thing to do when there is a complaint is to hear out the customer's concern, apologize for our shortcomings, tapos bigyan ng solution yung kanyang reklamo. Usually, the customer relations is restored, and the client leaves our place satisfied.
E, paano naman kung ang reklamo ng customer ay siya pala ang may pagkakamali? Halimbawa ay nagkaroon ng misunderstanding, or yung kanyang instructions ay malabo pa sa biyenan ni Melanie Marquez? Tapos, siya pa ang rude. Tapos, siya pa ang galit. Ok lang sana yung mag-complain siya, tapos siya naman pala ang mali, and after realizing this, ay magsabi lang ng simpleng, "Sorry." Tapos ang usapan. E, ang kaso, yung ibang customers, porke't kumain sa establishment ninyo, akala nila, nabili na nila pati kaluluwa ng mga nagtatrabaho doon. Mga tao rin po kami. Nasasaktan, naiinis, nagagalit, nababastos.
Hindi ko masisisi yung ibang nagtatrabaho sa IBANG restaurant na binababoy ang pagkain ng mga bastos na customers. Dahil doon lang sa paraan na yon sila nakakaganti. Hindi naman sila pwedeng sumagot. Hindi naman sila pwedeng lumaban. Kahit inis na inis na o galit na galit na, kailangan pa ring ngumiti at sumagot ng mahinahon. Kung iipunin ang lahat ng repressed anger ng lahat ng service crew, baka sinlakas ng atomic bomb ang pagsabog nito. Mga tao rin po ang mga empleyado. May damdamin po. May dignidad po. Naghahangad din po ng respeto.
Okay lang po ang mag-complain kung may legitimate complains. Gagawan natin ng paraan. Pero kung magagalit kayo at mambabastos, tapos kayo naman pala ang mali, sorry po. We apologize for your stupidity.
P.S.
Kung nagtataka ka kung paano nadawit ang biyenan ni Miss Marquez dito, eto po ang istorya:
At a talk show after her break-up with Derek Dee, Melanie was asked if she had some words for Derek’s mother, whom she partly blamed for the separation. “Oo nga,” said Melanie, “pero i-English-in ko para maintindihan niya.” She looked into the camera and, with the peremptoriness of royalty, said, “And to you, Mrs. Dee, I have two words for you. ANG LABO MO!”
P.P.S.
May nakita akong article related sa isinulat ko dito. Top 5 Reasons Why "The Customer Is Always Right" Is Wrong
P.P.P.S.
Ito ang isa pang insidente na nakapagpapakulo talaga ng dugo. Matagal na nangyari ito, pero I believe this needs to be posted. Reblog Kilala Niyo Ba Siya?
No comments:
Post a Comment