Showing posts with label Movie Review. Show all posts
Showing posts with label Movie Review. Show all posts

Saturday, December 10, 2011

Sleeping Beauty

Katatapos ko lang panuurin neto.


Ang naisip ko lang habang pinapanood ko yung movie, sana makahanap ako ng ganoong klaseng trabaho.  Malaki ang bayad.  Patutulugin ako, wala akong malay kahit ano ang gawin sa akin, basta bawal ang penetration at bawal mag-iwan ng marka sa katawan ko. Kumikita ka habang natutulog ka.

Slow paced ang movie, pero hindi boring.  May nudity, pero hindi bastos.

Panoorin niyo ito.

*May detailed review dito, pero pag binasa mo, parang pinanood mo na rin ang pelikula.

Monday, December 5, 2011

Gory Movie: The Human Centipede 1 and 2



Napanood ko yung The Human Centipede at ang sequel nito, The Human Centipede 2. Nag-download ako ng mga movies na ito matapos kong mabasa ang isang review, di ko matandaan kung saan.

Colored yung una at black and white naman ang pangalawa.  Nung una akala ko dahil good copy lang yung na-download ko na second movie.  Nung malapit na matapos yung 2nd movie ay naintindihan ko kung bakit ginawang black and white 'yon.  Baka 'di ko kinaya kung colored yon.

Panoorin mo ito kung bored ka lang at naghahanap ng pandidirihan.

Katangahan ng characters factor: tolerable

Ang gory factor?
Clue: Don't eat while watching the movie. Pwede rin kain ka bago manood para may maisuka ka. Pwede rin huwag ka kumain before watching the movie, but I doubt kung makakain ka AFTER watching the movie. Enjoy watching. =)

I was eating the whole time I was watching the two movies. Ganon ata katibay ang sikmura ko.