Sunday, October 16, 2011
It Pays to Take Typing 101
Touch typist ako. Ibig sabihin, nakakapag-type ako nang hindi tumitingin sa keyboard. Hindi naman perfect ang skill ko, dahil hindi ko kabisado ang numbers, or yung first top row ng keyboard (but I can touch type in the numeric keypad). I took my first lessons in typing in high school. May kanya-kanya kaming dalang portable typewriters noon for typing class. Noong college naman, merong provided Olympia typewriters sa Typing 101. I enjoyed my typing class, lalo na sa college. We had to type in time with our prof's beat. She used a huge stick to hit the blackboard with three successive beats, paused, and repeated the beats. We had to type without looking at the keyboard. Kailangan ang mata mo nakatutok sa typing book. Imagine mo kung gaano kaingay ang typing class.
There are lessons in typing na naging habit ko na. Like typing one space after a comma, and typing two spaces after a period. Nung nauso ang computers, I have to relearn how hard I type kasi, noong college, kailangan malakas ang fingers mo pag-type sa Olympia typewriter dahil hindi babakat sa papel yung letra pag mahina ka mag-type. Hindi ko alam kung may typing classes pa rin ngayon. Ang alam ko, karamihan ng mga nagco-computer ngayon e tuldok system ang gamit. Na-appreciate ko ang ganitong skill lalo na kapag nagsusulat ako ng compositions kagaya nito. Sunod ang fingers ko sa flow ng utak ko. Hindi ako nadi-distract ng paghahanap ng mga letra sa keyboard. Pero nagulat ako sa kapatid ko. Touch typist siya sa cellphone. Nakakapag-text siya ng hindi nakatingin sa keypad ng cellphone kahit may ginagawang iba o may kausap na iba, Madami din ako nakitang may ganitong skill. Panahon nga naman. Things change.
If you want to invest some time in learning touch typing, you can go to Free Typing Game . Tiyaga lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I also had my typing exercises when I was in high school. Dahil dun, naging touch typist ako. Hehehe. :) Not so perfect pero at least I'm capable of doing it. Tulad mo po :)
ReplyDeletesurprisingly kids these days, are not exposed to these typing exercises... somehow they survive and learn on their own. But, yes... those typing classes back then were interesting AND FUN. :)
ReplyDelete