Tuesday, October 18, 2011
Disturbing Videos
May napanood na naman ako'ng very disturbing video. Ito yung video ng two-year-old na nasagasaan sa China, at hindi man lang tinulungan ng mga dumadaan. Kung madali ka maapektuhan negatively ng ganitong klaseng panoorin, huwag mo na i-click yung "play" button pag nakita mo ito. At sa iba naman, bago niyo i-post ang mga ganitong klaseng video, itanong niyo muna sa sarili niyo kung bakit niyo ito ipo-post. Ano ang purpose niyo? Oo, kasalanan ko kung bakit ko napanood ito. Kasi, I willfully did it. Pinanood ko. I am writing this not for my sake but for the sake of others. Ano ang mabuting idudulot ng pag-post ng ganitong klaseng video? Awareness? So, pag aware ka, ano na? Call to action? Sige, mauna ka. Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa ganoong sitwasyon? I want to know, ano ang positive na maidudulot ng ganitong video. Please, enlighten me. - Rence
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment