Saturday, December 10, 2011

'Nyeta

'Nyetang aso ng kapitbahay. Araw-gabi kung tumahol. Lahat ng dumaan tinatahulan. Pati langgam. Pati hangin. Bwisit.

Sleeping Beauty

Katatapos ko lang panuurin neto.


Ang naisip ko lang habang pinapanood ko yung movie, sana makahanap ako ng ganoong klaseng trabaho.  Malaki ang bayad.  Patutulugin ako, wala akong malay kahit ano ang gawin sa akin, basta bawal ang penetration at bawal mag-iwan ng marka sa katawan ko. Kumikita ka habang natutulog ka.

Slow paced ang movie, pero hindi boring.  May nudity, pero hindi bastos.

Panoorin niyo ito.

*May detailed review dito, pero pag binasa mo, parang pinanood mo na rin ang pelikula.

Breakfast Dec 11, 2012

Nagsaing ako mga 2 cups rice. HIndi ako nagsasaing ng maramihan.  Kadalasan ay pang isang meal lang.  Nung painin na yung kanin, pinatong ko yung hotdog and egg.  Tapos iniwan ko ng mga 20 mins habang nagbabasa ako ng mga blogs.

Pagkatapos ko magbasa at manonood na ng movie (Sleeping Beauty), nilagay ko sa isang malaking mangkok yung kanin, pinatong yung hotdog at binalatang itlog.  Walah!!! Breakfast na.

Mahilig ako kumain sa mangkok na malaki.  Very convenient, lalo na pag wala kang kasabay kumain.  Ilagay ang kanin at ulam, halu-haluin, dalhin kahit saan: sa kama, sa harap ng computer, sa sofa.  Pwede ka mag-multi-tasking habang kumakain.

Kakabasa ko lang ng Biggest Loser Diet.  Gagawin ko yan.  Baka bukas.

Ngapala, meron akong Spanish sardines sa ref.  Pang-emergency, hindi lang kung walang ulam, kundi pati pag kulang ang ulam.

That's all, Folks!  Nood na ng Sleeping Beauty habang download ng Creepshow 1, 2, and 3.